Dahil ang pagmamaneho ng sasakyan ay hindi na bago sa komunidad, madaling makalimutan ang likas na panganib na dala nito, at isa na rito ang pagkontrol sa bakal habang umaarangkada sa kalsada ng 50 km/h.
Ang kasalukuyang pag-aaral na ito ay nagpapaalala sa atin na anuman ang ginagawa natin habang nagmamaneho, ay nakasunod pa rin ang disgrasya, gaano man kalaki ang tiwala natin sa ating sarili pagdating sa pagmamaneho.
Nais iparating ng mga researcher, sa pamumuno ni Gillian Murphy ng University College Cork, Ireland, at ni Ciara Greene, PhD, ng University College Dublin, Ireland, kung gaano kahalaga para sa mga driver na ituon ang kanilang buong atensiyon sa kalsada.
Binuo ng mga researcher ang pag-aaral para alamin ang tinatawag na perpetual load theory of attention. Sinasabi ng teoryang ito na limitado lamang ang ating kapasidad pagdating sa pagbibigay atensiyon. Oras na maabot natin ang limitasyon na iyon, hindi na natin kaya pang pagtuunan ang ibang bagay at detalye.
Nakakaapekto ba ang bawat tunog na ating naririnig sa mga bagay na ating nakikita?
Ang perceptual load theory ay unang isinulat ni Prof. Nilli Lavie noong kalagitnaan ng 1900s hanggang sa naging bahagi na ng pagsasaliksik at diskusyon. Ang pinakabagong pag-aaral ay para imbestigahan kung ang impormasyong natatanggap ng pandinig ay kayang makaapekto sa ating paningin.
Gamit ang isang full-size driving simulator, inalam ng mga researcher kung maaapektuhan ang kanilang abilidad na intindihin at iproseso ang kanilang nakikita kapag sila ay nakinig sa radyo.
Sa kabuuan, 36 na driver ang nakibahagi sa isinagawang eksperimento. Kalahati sa kanila ang sinabihang tumutok sa radyo para alamin kung paano nagpapalit ng reporter, lalaki mula sa babae, sa radyo – isang low attentional load.
Ang mga natira naman ay inatasan na makinig sa updates sa kalye, ang N248 – isang high attentional load task.
Habang nagmamaneho ang mga partisipante, sinukat ng mga researcher ang kakayahan ng mga ito sa pagmamaneho at naglagay ng visual surprise.
Napansin ng mga researcher na ang high-load group ay naging mahina sa pagsunod sa yield signals, pagtanda kung anong sasakyan ang dumaan at iba pang driving performance measures katulad ng lane position, bilis at oras ng reaksiyon pagdating sa hazards.
“Anything that draws our attention away from driving can be problematic, even if it’s auditory like listening to the radio or having a hands-free phone conversation. That doesn’t mean that we should ban radios in cars, but that we should all be aware of the limits of our attention,” ani Gillian Murphy.
“Road safety campaigns are so focused on telling us to keep our eyes on the road, and this is certainly important, but this research tells us that it’s simply not enough. We should focus on keeping our brains on the road,” dagdag pa ni Murphy. (Medical News Today)