sun_burn_-_news_-_sun_damage_-_womens_health_uk-2__medium_4x3 copy

Nakalulungkot mang hindi natin maiiwasan ang sunburn, may ilang paraan naman na maaaring gawin upang mapabilis ang paggaling ng nasunog na balat. Hiningan ng tulong si Joshua Zeichner, MD, director ng cosmetic and clinical research sa department of dermatology sa Mount Sinai Hospital sa New York City, kaugnay sa mabilis na paraan para mawala ang sunburn.

Work from the inside out

Kapag pauwi ka na mula sa beach, at nakita mo sa salamin na may problema sa iyong balat. At kapag napansin mong namumula na ito, uminom na agad ng over-the-counter anti-inflammatory pill katulad ng ibuprofen o aspirin, rekomendasyon ni Dr. Zeichner. Makatutulong ito upang maiwasan ang pamamaga at pamumula.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Cool down

Kapag maliligo na, gumamit ng malamig na tubig para matanggal ang chlorine, tubig alat at buhangin sa iyong balat at upang maiwasan ang irritation.

Moisturize

Maglagay ng moisturizer sa mga susunod na araw. Inirerekomenda ni Zeichner ang mga moisturizer na naglalaman ng aloe, glycerin o hyaluronic acid tulad ng Sun Bum Cool Down Aloe Spray ($12, nordstrom.com). Kung ang nasunog na balat ay nasa maliit na bahagi ng katawan tulad ng ilong, leeg, o tenga, maglagay lamang ng 1% hydrocortisone ointment tulad ng Cortizone 10 Hydrocortisone Anti-Itch Cream Plus 10 Moisturizers ($9,walgreens.com) upang maiwasan ang pamamaga at hapdi.

Use a DIY compress

Subukang gumamit ng cool compress na ibinabad sa skim milk, egg white o green tea. Ang protein na taglay ng gatas at itlog ay nakatutulong sa paghilom at pagpapalit ng balat, at ang green tea naman ay nakatutulong upang maibsan ang hapdi.

Drink up

Hindi lamang moisture ang inaalis ng araw sa balat kundi maging ang tubig sa iyong katawan, na dahilan ng pakiramdam na pagod na pagod ka sa ilalim ng araw. (News&Views)