KUNG ang pera—ibig sabihin ay vote-buying, karahasan, at iba pang paraan ng pandaraya na sinamahan ng pera bilang suhol para maluklok sa puwesto sa Mayo 9—ang nanaig, tuluyan nang mabubura ang demokrasya.

Gayunman, umaasa pa rin ang ilang botante sa probinsiya. Ang mga kandidato, mula sa pagka-congressman, governor, mayor hanggang sa mga councilor, na gagawin nila ang kanilang mga responsibilidad at tutuparin ang kanilang mga pangako.

Kahit na marami sa kanila ang hindi kuntento sa mga posibilidad na mailuklok nang hindi gumagastos nang malaki, mayroon pa ring mga botante na sumusuporta sa mga kandidatong may misyon at determinasyon upang maiangat ang mga mamamayan sa kahirapan, bigyan ng hustisya ang bawat isa, tamang oportunidad, at ilayo ang mga tao sa kapahamakan, kahirapan at sakit.

Napansin ko sa ilang lugar sa ating bansa na may ilan pa ring kandidato na may dedikasyon sa muling pagpapasigla sa mga lumubog na institusyon dahil sa kurapsiyon, kawalan ng pag-asa, walang pusong mga opisyal at leader.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa Zambales, nakikita kong mananalo si dating Gov. Amor D. Deloso at kanyang samahan laban kay Gov. HermogenesEbdane, Jr.,.

Damang-dama ni Deloso ang suporta ng mga tao. Damang-dama niya ang tiwala ng mga tao dahil sa kanyang senseridad, katapatan, at pagiging palaban.

Nararamdaman ko rin ang pagkapanalo ni Governor Amado Espino, Jr. ng Pangasinan at kanyang grupo. Ang anak ni Espino ay kalaban si Mark Cojuangco, anak ni Danding Cojuangco. Ang mga naabot na tagumpay at pamumuno ng anak ng una ay nagsisiguro sa kanyang pagkapanalo.

Ang performance ng probinsiya ng Albay bilang isang modelo ng United Nations (UN) sa pagpapaunlad at pagdating sa disaster preparedness ay nagsisiguro kay Gov. Joey Salceda na siya ang mananalo. Siya ay tumatakbo upang maluklok sa Kongreso.

Habang si Mayor Celestino “Junie” Martinez, Jr. ng Bogo City ay posible rin ang pagkapanalo. Taong 1991, isinulong ni Martinez ang R.A 7160, na mas kilala sa tawag na Local Government Code. Simula 1987 hanggang 1998, pinaglingkuran ni Martinez ang kanyang distrito at ang bansa. (Johnny Dayang)