Hindi natitinag ang United Nationalist Alliance (UNA) presidential bet na si Vice President Jejomar Binay sa pamamayagpag ng kanyang mga katunggali sa iba’t ibang survey.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay, bagamat apat na araw na lang (kahapon) bago ang eleksiyon sa Lunes ay maaga pa para magdiwang ang ibang presidentiable na nangunguna sa mga survey.

“To the other candidates: Do not celebrate yet, good things are about to happen, Binay is coming,” ani Quicho.

“The surveys do not capture the intense ground campaigning by the Vice President's core supporters and parallel groups nationwide. These efforts have intensified after April 29 which was the last day of the surveys,” paliwanag niya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Base sa resulta ng mga nakaraang survey ng SWS at Pulse Asia, lumitaw na pang-apat si Binay habang nangunguna sina PDP Laban candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte, independent candidate Sen. Grace Poe, at Liberal Party bet Mar Roxas.

Sinuportahan ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, pangulo ng UNA, ang pahayag ni Quicho sa pagbalewala sa resulta ng mga survey.

“The commissioned surveys do not diminish the Vice President’s commitment to bring genuine change and lasting comfort to our people,” aniya. (Ellson A. Quismorio)