DAGUPAN CITY, Pangasinan – Sa harap ng abalang paghahanda para sa eleksiyon sa Lunes, tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office na bina-validate na ng pulisya ang umano’y talamak na vote-buying sa ilang lugar sa lalawigan.

Inihayag ni Supt. Jackie Candelario na nasa monitoring na ng pulisya ang pitong bayan sa Pangasinan kaugnay ng reklamong lantaran at talamak na pamimili ng boto.

Nangangalap na ang pulisya ng ebidensiya sa vote-buying sa mga bayan ng Rosales, Mangaldan, Calasiao, San Fabian, Sta. Barbara, Burgos, at Dasol.

Ayon sa pulisya, wala pang nahuhuli ang pulisya kaugnay ng vote-buying, bagamat kamakailan ay ito ang itinuturong dahilan sa pagbubuhul-buhol ng trapiko sa Lucao District sa Dagupan City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Batay sa nakalap na impormasyon, isang kumakandidatong alkalde ang namudmod umano ng pera at ito ang pinilahan ng mga tao. (LIEZLE BASA IÑIGO)