World champion noon, isang abogado na ngayon.

Sa ganitong daan tinahak ni dating Philippine taekwondo mainstay Francesca Camille Alarilla ang kanyang career matapos mapabilang sa mahigit 1,000 nakapasa sa 2015 Bar exams nitong Martes.

Bahagi ang 24-anyos na si Alarilla ng RP poomsae team na nagwagi ng gintong medalya sa 2009 World Poomsae Championship sa Egypt, gayundin sa Laos Southeast Asian Games.

Kasama niya sa koponan sina Janice Lagman at Rani Ann Ortega.

Nakopo niya ang back-to-back gold medal sa Sea Games nang muling manalo sa 2011 edition sa Indonesia.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Ikinagalak ni Philippine Taekwondo Association (PTA) chairman Sung Chon Hong ang panibagong tagumpay ni Alarilla sa aspeto ng edukasyon at career.

“We’re very happy with Camille. The taekwondo community is very proud of her. We hope for more success to come,” sambit ni Hong.