RAMOS, Tarlac - Natigmak ng dugo ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) matapos na sumabog ang dalawang gulong ng isang bumibiyaheng Toyota Hi-ace Regius hanggang sa sumalpok ito sa isang concrete barrier sa highway, na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng apat na iba pa.
Ayon kay PO2 Erwin Espino Estigoy, nasawi sina Karen Dulatre, nasa hustong gulang; Yolanda Datumputi, 40; at anak ni Yolanda na si Mark Lester Datumputi, 14, pawang taga-Barangay Inmanduyan, Laoac, Pangasinan.
Sugatan naman sina Danny Nieves, 57, driver ng sasakyan (BDR-471), ng Bgy. Sapang, Manaoag, Pangasinan; Mark Bryan Datumputi, 16; Connie Dulatre, nasa hustong gulang; at Eddie Tolete, 34, ng Laoac, Pangasinan. (Leandro Alborote)