NATUPAD na ang matagal nang pinapangarap ni Dodong (Dominic Ochoa) na maging superhero sa kanyang pagta-transform bilang ang tagapagtanggol na si Super D sa tulong ng mahiwagang asul na diyamante sa My Super D.
Upang mailigtas sa kidnappers ang anak na si Dennis (Marco Masa), humingi ng tulong si Dodong kay Pablo (Nonie Buencamino), ang kaibigan ng yumaong superhero na si Super D (Richard Yap) para hanapin ang asul na diyamante.
Sa tulong nito, nagpalit na nga ng anyo si Dodong bilang si Super D at buong tapang na iniligtas ang kanyang anak mula sa kidnappers gamit ang kanyang superpowers.
Inaabangan ng avid followers kung tuluyan nang tatanggapin ni Dodong ang tungkulin ng pagiging superhero. Umpisa na nga kaya ito ng kanyang paglaban sa kasamaan?
Samantala, mas magiging maaksiyon at kapana-panabik ang panonood ng ABS-CBN TVplus subscribers dahil mapapanood na ang super marathon ng My Super D tuwing Sabado sa “Yey!” Sama-samang panoorin si Dodong sa kanyang adventures bilang si Super D nang walang commercial breaks simula ngayong May 7, 6 PM.
Huwag palampasin ang kuwentong magpapatunay na kahit ordinaryong tao ay maaaring maging superhero sa My Super D, gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.