shaina-magdayao-005 copy

IISA ang nasabi ng reporters na dumalo sa My Candidate presscon nina Derek Ramsay, Shaina Magdayao, Ketchup Eusebio at Iza Calzado na idinirek ni Quark Henares under Quantum Films, mabuti pa ang ibang movie outfit binigyan ng lead role ang bunsong kapatid ni Vina Morales.

Kaya tinanong din agad ang dalaga tungkol kung bakit nga ba puro supporting role lang ang ibinibigay sa kanya sa kanyang home studio?

“Nagpapasalamat po ako na nabigyan ako ng opportunity ng Quantum Films. Ibinigay nila sa akin itong magandang break na ito and, of course, we’re always thankful sa lahat ng trabaho na natatanggap natin at I made sure na hindi po nila pagsisisihan ‘yung pagpili nila sa akin.

“Ang motivation ko nga po rito is to do really my best to the people na who still believe in my talent and really trusted me. I hope hindi ko sila na-fail.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘Husband Appreciation Day’?

“Small role, big role… ikaw man ang bida or supporting ka man, I still give my best kasi trabaho pa rin po ‘yun no matter how small the role is,” paliwanag ng aktres.

Hindi ba sumasama ang loob niya na gayong sa ABS-CBN na siya nagdalaga ay hindi pa niya naranasang magkaroon ng solong pelikula kumpara sa bagong artista na lead role na agad ang nakukuha?

“Gusto kong maging thankful sa Quantum for this project, but it doesn’t follow na hindi rin naman ako nabigyan ng opportunity sa kabila (ABS-CBN). Napakalaki ng naitulong nila sa akin, I think it’s just really timing.

“I want also to thank Mr. M (Johnny Manahan) for giving me a go to do this project, kaya nagpapasalamat din ako kay Atty. Jojie (Alonso) for this project and the people here who believes in my talent.

“Regarding sa sasama ang loob ko, kung sumama ba ang loob ko, would it change anything? Wala eh. So, bakit mo pa iho-honor ‘yun? Why don’t just be thankful sa mga ganitong oportunidad?” maayos na sagot aktres.

Hindi rin nagtatanong si Shaina sa Star Magic tungkol sa projects niya.

“Hindi kasi ako ganu’n klaseng tao, I don’t look for a project na parang… ‘ay, dapat akin ‘to or gawin ko to.’

Siguro by now, alam n’yo na ‘yun na hindi ako ‘yung tipong artistang magko-compare,” diin ni Shaina.

Na-challenge nang husto si Shaina sa papel niya sa My Candidate bilang si Billie na tumutulong sa kampanya ni Derek para maging senador.

“Kasi kabaligtaran ko ‘yung karakter ko, magaslaw ako rito, may mga tattoo, nag-drugs maski hindi ipinakita… base sa kuwento, makulit. Totally iba sa mga ginagawa ko, kasi more on drama ako, di ba? Dito komedyana na ewan, ilang na ilang ako, I hope nagampanan ko ng tama,” say ni Shaina.

Tatlo ang projects ni Shaina ngayong 2016, itong My Candidate, ang indie film na Dukot kasama si Enrique Gil at ang third season ng Single-Single nila ni Matteo Guidicelli na napapanood sa Cinema One. Kaya wala raw siyang panahon sa lovelife.

“Pero feeling ko after all of these, may time na akong makipag-date. Hindi na importante kung showbiz o hindi, kasi sabi ko before ayoko ng showbiz, pero sa showbiz ako bumagsak. It doesn’t matter na lang siguro, basta mabuting tao, who really treats me right. At saka seryoso akong tao kaya kung hindi rin lang seryoso ang guy, ‘wag na lang, sasayangin lang natin ang oras at feelings, ‘wag na lang maging tayo.

“So I’m really willing to wait for the right guy and I hope na ‘yung next eh, ‘yun na. Kaya i-preserve na lang natin ang sarili natin,” katwiran ng dalaga.

Tama rin naman ang panuntunang ito ni Shaina, kaya work and work habang may oras at take note, Bossing DMB, ang daming negosyo ng dalaga.

“Sini-set up ko na ang retirement ko, ha-ha-ha. Kailangan ganu’n, baka mamaya ako pa ang bumuhay sa lalaki,” nagbibirong sabi niya.

“Nagbukas ako ng Potato Corner Nacho Bimby sa Promenade, kasosyo ko si Ate Kris (Aquino) at target namin magbukas pa ulit ng three (branches) more this year. I also have a skin care line at may Ystilo Salon pa, so ‘yun ang mga inaasikaso ko rin,” nakangiting sabi ng aktres.

Nakakatuwa si Shaina, sa edad na 26 ay heto at isa nang successful businesswoman at maganda rin ang showbiz career.

Kaya ang suwerte ng lalaking mamahalin niya. At take note uli, may apartment business din siya.

Mapapanood na ang My Candidate sa Mayo 11, itinaon sa pagtatapos ng eleksiyon sa Mayo 9. Sabi nga ng buong cast, pagkatapos ng kampanyahan at botohan, magpalamig naman ng ulo. (Reggee Bonoan)