DATI ko nang napapansin si Richard “Dick” Gordon. Bilang Alkalde noon ng Olongapo, tumatak sa isipan ko ang kakaibang estilo niya sa serbisyo-publiko.

Magugunita ang kanyang kagalingan sa pagpapatakbo ng nasabing lungsod sa larangan ng kaayusan at disiplina.

Kung inyong natatandaan, may kasabihan na: “Bawal ang Tamad sa Olongapo.” Sino makakalimot sa mga mamamayan, kabilang na ang matatalinong kabataan, na boluntaryong naglilinis ng mga parke, lansangan, atbp. na humuhugot ng inspirasyon sa ilalim ni Gordon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang mga jeepney driver na naka-uniporme, pampublikong sasakyang may color-coding.

Pati nga si Mayor Gordon ay nakunan ng larawan na namumulot ng sigarilyong upos para itapon sa basurahan bilang halimbawa sa kapwa-opisyales.

Lalong umusbong sa pambansang kamulatan si Gordon sa gitna ng diskusyon patungkol sa pagpapatuloy o pagpapatalsik ng mga Base Militar ng Estados Unidos. Para sa bagong henerasyon, ang Pilipinas ang naging tahanan ng Clark Air Base at Subic Naval Base ng Amerikano.

Sa kumunoy ng debate na ginatungan ng mga “kaliwa”, hindi ko malilimutan ang makabayang pormula ni Gordon sa bangayan ng magkabilang kampo: “Palakasin muna natin ang katayuan ng ating pambansang depensa at Sandatahang Lakas.

Saka na lang, kapag matikas at kaya na natin protektahan ang sariling bayan, pag-usapan kung pananatilihin ang dalawang base Amerikano, o sisipain?

Isang praktikal, makabuluhan, at tumpak na solusyon! Nanaig ang tinig ng mga “kaliwa” na sa dating gawi, nagdaos ng protesta sa Baguio, Metro-Manila, Cebu, at isang lungsod sa Mindanao upang palabasin na kontra umano ang buong bansa sa mga “Kano”.

Kaya ngayon, salamat sa kanila, kumakatok na ang China sa pintuan natin. Bagay na hindi nila dati magawa sa West Philippine Sea (WPS) dahil bahag ang buntot habang nananahan ang dalawang pinakamalaking hukbong kampo ng Amerika sa atin.

May survey dati na lumabas na mayorya ng Pilipino pabor sa pagpapatuloy ng Clark at Subic. Subalit nagoyo sa protesta at damdamin ng “pagkamaka-bayan” kuno, kaya sa panahon ni Cory binasura ng Senado ang dapat sana ay tratado sa pagitan ng dalawang bansa.

May pananagutan ang Pamahalaan ni Cory sa kapalpakan nito pati ang Senado noon, sa agarang paglumpo ng depensa ng Pilipinas at sa mga kasalukuyang kaganapan sa WPS. Noon pa, pang-senador na talaga itong si Gordon. (Erik Espina)