Pakitang-gilas ang dating NCAA champion Philippine Christian University-Lilac Experience nang pabagsakin ang Jamfy-Secret Spices, 108-76, at masungkit ang ikalawang outright semis berth sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum.
Sa pangunguna ni Jack Corpuz at multi-titled coach Ato Tolentino, bahagya lamang pinag-pawisan ang Dolphins bago tuluyang hugutin ang ika-anim na panalo sa pitong laro, gayundin ang twice-to-beat na bentahe sa semi-finals.
Apat na iba pang players ang umiskor ng double digits para sa PCU, tumabla sa Macway Travel Club sa unang puwesto sa torneong itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Couriers, Cars Unlimited at Gerry’s Grill.
“Solido ang team namin. Handang lumaban ang mga players kahit kanino para manalo,” pahayag ni Tolentino.
Si Corpuz , isa sa mga nangunguna sa MVP race, ay umiskor ng 28 puntos sa kabila ng mahigpit na depensa ng Jamfy.
Nakatulong niya sina Yves Sazon ( 20), Von Tambeling (15), Fidel Castro ( 12) at Mike Ayonayon (10).
Sina Romer Diaz, Edwin Asoro at Laurence Garcia ang nanguna para sa Jamfy, nagtapos na may 4-3 karta katulad ng New San Jose Builders.
Nanguna si Diaz sa natipang 17 puntos para sa Jamfy, na pinamahalaan ng mag-asawang Macky at Lanie Villarta at ni coach Jigs Samaniego.
Makakaharap ngayon ng Jamfy ang No. 5 seed Emilio Aguinaldo College sa isang knockout match para sa semis.
Ang San Jose Builders at makikipagtuos naman sa No. 6 Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi Motors para sa isa pang ticket sa semis.
Sinabi ni MBL chairman Alex Wang na ang mananalo sa labanan ng Jamfy-EAC ay haharap sa Macway, habang ang magwawagi sa laro ng San Jose- OLLTC ay makakatagpo ng PCU sa semis.
May tangan na twice-to-beat bentahe ang Macway at PCU.
Iskor:
PCU-LEX (108) -- Corpuz 28, Sazon 20, Tambeling 15, Castro 12, Ayonayon 10, Vasquez 8, Afreku 6, Palllatao 6, Mescallado 2, Catipay 1, Dungca 0, Malto 0, Bautista 0, Abrigo 0.
Jamfy-Secret Spices ( 76) -- Diaz 17, Asoro 16, Garcia 15, Villarta 12, Castillo 7, Banzali 6, Pasquin 3.
Quartercores:
15-17, 47-36, 70-50, 108-76.