CLEVELAND (AP) — Nagtala ang Cleveland Cavaliers ng bagong NBA playoff record s paghulog ng 25 3-pointers sa Game 2 kontra Atlanta, nitong Miyerkules ng gabi.
Isinalpak ni Kyrie Irving ang isang 3-pointer na may 5:06 minuto natitira sa ikatlong yugto upang itulak ang Cavs na malampasan ang dating postseason record na 21 na itinala ng nagtatanggol na kampeon na Golden State Warriors noong Abril 24.
Isinagawa ng Cav ang record sa punto na marami itong 3-pointers kumpara sa field goals ng Atlanta.
Pinamunuan ni J.R. Smith na may anim na 3-pointers, ibinuhos ng Cavs ang 18 sa 27 sa nakakahilong unang 24 na minuto upang itala ang 38 puntos na abante.
Pinaganda din ng Cleveland ang rekord sa liga sa unang hati - regular man o postseason – sa pagtatala ng kabuuang 18 3s sa half.
Inihulog din ng Cleveland ang pitong sunod na 3-pointers sa unang yugto, kung saan itinatag ng Cavs ang 15 puntos na abante. Hindi napigilan ang Cavs sa kanilang pag-atake sa ikalawang yugto matapos na magdagdag ng 10 pa na 3s.
“Tonight was a special night for all of us who played,” sabi ni Smith. “This league has seen so many great teams, so many great players and great shooters and for us to set an all-time record is truly special.”
Maging si Lebron James ay nag-ambag ng apat na 3s at umiskor ng 27 putnos para sa defending conference champions.
Tumapos ng Cleveland na may 25 mula sa ibinato na 45 mula sa arc kung saan 10 manlalaro nito ang nakapag-ambag din ng isang 3s.
