MIAMI (AP) — Tuluyan nang hindi makakalaro si Chris Bosh, ano man ang pupuntahan ng Miami Heat sa postseason.

Inihayag ito mismo ng Heat at ni Bosh nitong Miyerkules ng hapon matapos ang ensayo ng koponan sa Toronto upang tapusin ng espekulasyon na magbabalik si Bosh sa paglalaro lalo sa playoffs.

Hindi na nakalaro si Bosh sapul isagawa ang All-Star break matapos madiskubre ang blood clot sa kanyang kaliwang hita. Ito ang ikalawang sunod na taon na nagtapos ang season ni Bosh habang nasa pahinga ang liga dahil na rin sa problema sa pamumuo ng dugo.

Inilabas ang joint statement isang araw matapos na ang National Basketball Players Association ay minadali si Bosh at koponan na resolbahan ang isyu hinggil sa kani-kanilang hinaharap.

“The Miami Heat and Chris Bosh announce that Chris will not be playing in the remainder of the 2016 NBA Playoffs,” ayon sa sulat. “The Heat, Chris, the doctors and medical team have been working together throughout this process and will continue to do so to return Chris to playing basketball as soon as possible.”

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Inaasahang mananatili si Bosh sa koponan hanggang kabuuan ng playoffs.

“This has been going on since February,” sabi ni Heat guard Dwyane Wade sa Toronto. “All we know is that he’s taking care of himself, health-wise, and that’s all we care about.”

Abante ang Miami kontra Toronto 1-0 sa Eastern Conference semifinals bago ang Game 2, Huwebes.

Si Bosh ay nag-aaverage sa team-best 19.1 puntos bago nag-break kung saan nakita ang pagbubuo ng dugo pagdating sa Toronto kung saan ito naglaro sa kanyang unang pitong taon sa NBA para naman sa All-Star weekend.