letran copy

Nagwagi ang Jose Rizal University-A Heavy Bombers, Mapua Cardinals at Adamson Baby Falcons sa magaan na pamamaraan nitong Lunes sa 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament sa St. Placid gymnasium ng Arellano University campus sa Legarda, Manila.

Hataw si Paolo Pontejos sa 15 puntos, habang tumipa sina Jordan de la Paz at Jed Mendoza ng tig-13 puntos para sa Heavy Bombers tungo sa 82-61 panalo kontra Centro Escolar University-B Scorpions.

Nakamit ng Heavy Bombers ang ikaapat na panalo sa limang laro sa Group B ng senior division para manatiling nasa kontensyon ng quarterfinal, ayon kay commissioner Robert de la Rosa.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Naisalpak ni Jordan de la Paz ang layup sa krusyal na sandali ng first priod para makuha ang 20-16 bentahe na hindi na binitiwan ng Heavy Bombers.

Nanguna naman si Allwell Oraeme na may 15 puntos sa panalo ng Mapua Cardinals kontra Adamson Falcons, 83-76, para sa ikatlong panalo sa Group A.

Natikman naman ng Falcons ang unang kabiguan sa limang laro.

Pinangunahan nanaman ang Baby Falcons nina Jason Celis at Jess Antiporda para pabagsakin ang University of Perpetual Help Junior Altas, 70-67.

Kumana sina Antiporda at Celis ng 18 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa junior games, tinambakan ng La Salle Greenhills-A ang Letran Squires, 71-36, para sa 4-2 marka sa Group A.

Nagwagi naman ang Chiang Kai Shek College Blue Dragons kontra EAC-ICA, 80-67.

Ginapi naman ng Hope in Hoops ang LSGH-B, 76-64, habang namayani ang Adamson Lady Falcons sa Far Eastern University Lady Tamaraws, 46-33, sa women’s match.