SANTIAGO CITY, Isabela - Isang mister ang nagpakamatay matapos silang mag-away ng kanyang misis na naging dahilan upang mawalay sa kanya ang kanilang mga anak.

Dakong 8:00 ng umaga nitong Mayo 2 nang natagpuang nakabigti sa kusina si Rodolfo Raymundo II, 36, helper, ng Purok 3, La Trinidad, Santiago City.

Nabatid na bago nagpakamatay si Raymundo ay kinausap pa siya ng kanyang pamilya at sinabihang nasa kostudiya na ng kanyang mga biyenan ang kanyang mga anak. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!