PORT-AU-PRINCE, Haiti (AP) – Isang dinudugong buntis ang hinimatay at binawian ng buhay sa pasukan ng pinakamalaking pampublikong ospital sa Haiti matapos mabigong makakuha ng tulong noong Miyerkules sa gitna isang linggo nang strike ng mga resident doctor, nurse at iba pang staff.

Nagtipon ang daan-daang tao sa labas ng General Hospital compound sa Port-au-Prince at binalot ng kumot ang bangkay ng babae. Dinala nila ito sa karatig na radio station at sumigaw ng: "Medicine needs to work!"

"This woman came here to get help but couldn't find any doctors. That's not right," sabi ng computer technician na si Jean Michel Tius.

Ipinoprotesta ng mga empleyado ng siyam na pampublikong ospital sa bansa ang kakulangan ng basic medical supplies, mababang suweldo at hindi ligtas na kondisyon sa trabaho.

Internasyonal

78 Pinoy na na-detain dahil sa scam hubs sa Myanmar, makakabalik na sa Pilipinas