evap members (1) copy

NITONG nakalipas na mga buwan, kanya-kanyang diskarte ang mga kandidato sa pagkapangulo sa kanilang plataporma sa pangangalaga sa kalikasan, o sa isyu ng climate change.

Sa tindi ng kalamidad na tumatama sa bansa halos taun-taon, nabubulabog na ang mamamayan sa kung ano ang programa ng gobyerno upang makompronta ang problema sa buwelta ng kalikasan.

Dahil dito, idineklara ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) na susuportahan nito ang kandidato sa pagkapangulo base sa kanilang panukalang programa upang mapangalagaan ang kalikasan ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni EVAP President Rommel Juan na bagamat ang mga board member at miyembro ng kanilang grupo ay posibleng magkakaiba ang napupusuang kandidato, ang ay EVAP wala pang napipiling mamanukin sa pagkapangulo.

ALAMIN: Saan nga ba nag-ugat ang 8 counts of cyber libel ni Kiko Barzaga?

“Subalit, kami sa EVAP ay nagkakaisa na suportahan ang isang ‘green president’ upang maluklok sa Malacañang,” ayon kay Juan.

Aniya, ang Pilipinas ay may obligasyon na tumugon sa Paris COP 21 Agreement upang mabawasan ang green gas emission ng 70 porsiyento pagsapit ng 2020.

Ayon pa kay Juan, ito ay maaari lamang maisakatuparan sa pamamagitan ng modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan at pagsusulong sa paggamit ng alternative fuel.

“Ang pangulo na determinado at nakikiisa sa aming adbokasya upang maisaayos ang kalikasan ay aming susuportahan,” idineklara ni Juan.

Nagpaalala rin ng EVAP president ang kahalagahan na maisabatas ang Alternative Fuel Vehicle Incentives Bill upang maging abot-kaya ang mga electric vehicle na gawa sa bansa at umunlad ang sektor na ito.

“We therefore invite all of the Presidential aspirants to present their Green Agenda to us so we can find out who will be the Green President that will take us to the greener future that will benefit our children and our children’s children,” giit ni Juan.