NAILANG si Dennis Trillo sa sexy scenes nila ni Heart Evangelista sa hot and sexy series ng GMA-7 na Juan Happy Love Story, pero sa rami ay nasanay din siya.
Sa nakitang reaction ng press people nang ipalabas ang trailer, nagpasalamat si Dennis na sa kanya ibinigay ang project.
“Kakaiba ang project na ito, nakapag-experiment ako at binigyan din ako ng director namin na mag-experiment. Marami ngang kissing scenes at naughty scenes, pero dahil comedy ang treatment at hindi drama, hindi ka maiilang panoorin kahit sa TV,” sabi ni Dennis.
Si LA Madridejos ang director nina Dennis at Heart sa Juan Happy Love Story.
Salesman ang role ni Dennis na ginagamit ang kaguwapuhan at sex appeal para makakuha ng kliyente at makabenta.
Nagbiro siya na ang karakter niyang si Juan dela Costa ay gustong butasan ang kahit sinong babae.
Sabi ni Dennis, walang pagseselosan ang rumoured girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa mga eksena nila ni Heart, maiintindihan nito dahil pareho silang artista. Matagal na raw silang artista at masaya sila para sa takbo ng career ng isa’t isa.
Pero totoo bang takot siyang magpakasal at ‘yun ang rason kaya kahit matagal na ang hindi nila inaaming relasyon, hindi pa rin sila nagpapakasal ni Jennylyn?
“Hindi sa takot akong magpakasal, hindi pa lang ako ready. Ayokong i-pressure ang sarili ko na magpakasal kahit hindi pa ako handa at dahil baka hindi maganda ang kalabasan. Hindi naman siya karera para makipag-unahan ako.
Ini-enjoy lang namin ang bawat araw,“ pahayag ni Dennis.
Sa May 16, pagkatapos ng Poor Señorita, ang pilot airing ng Juan Happy Love Story. Sina Dennis at Heart din ang kumanta ng theme song na Ako’y Kasama Mo na composition nina Andrew Florentino at Arlene Calvo. (Nitz Miralles)
