NEW YORK (AP) — Wala pang pormal na pahayag ang NBA, ngunit para sa Professional Basketball Writers Association (PBWA) si Golden State guard Stephen Curry ang kanilang Most Valuable Player.
Ipinagkaloob ng asosasyon, binubuo ng mga manunulat, kolumnista at editor na regular na nagkokober ng NBA, ang Magic Johnson Award sa 28-anyos na ‘Three-point King.
Ang parangal ay ipinagkakaloob sa NBA player na nagpamalas ng kahusayan hindi lamang sa laro bagkus sa pagbibigay ng tulong sa komunidad at maayos na pakikipamuhay s publiko at media.
Nangunguna si Curry sa NBA scoring, tangan ang averaged 30.1 puntos kada laro at tangan ang makasaysayang marka sa three-point shot na may kabuuang 402 ngayong season.
Pinangunahan niya ang Golden State Warriors sa makasaysayang 73-9 marka, Nalagpasan nila ang record na 72-10 ng Chicgo Bulls noong 1995-96 season.
Ginapi ni Curry sa parangal ang kasangga niyang si Draymond Green, Portland’s Damian Lillard, New York’s Carmelo Anthony at Atlanta’s Paul Millsap nitong Martes.
May kabuuang 175 writer at editor ang PBWA.
Sinimulang ipamahagi ang parangal noong 2001 bilang pagpupugay kay dating Lakers star at Hall of Famer Earvin “Magic” Johnson.