Hiniling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon sa mga bus operator na maging mas mapagmatyag laban sa mga flying voter o mga botanteng bumibiyahe sa ilang lugar para magpatala bilang mga bagong botante matapos magparehistro sa isa pang lugar.
Ginawa ng LTFRB ang pahayag upang hikayatin ang mga bus operator na tumulong sa pagtitiyak ng malinis na halalan sa Mayo 9.
Binanggit ni LTFRB board member Atty. Ariel Inton ang mga kaso sa nakalipas na ibinabiyahe ng mga pulitiko ang mga flying voter para bumoto sa iba’t ibang polling precinct upang manipulahin ang resulta ng halalan.
Magsisimulang magbigay ang Board ng mga special permit na magagamit mula Mayo 7 hanggang 11 upang makapagbiyahe ang mga provincial bus ng mas maraming pasahero.
“Special permits will be issued to provide more modes of transport to voters and not for personal gains of political candidates,” diin ni Inton. (PNA)