Nakatuon ang pansin kay Glenn Aguilar na magtatangkang masungkit ang ‘three-peat’ a premyadong division sa pagharurot ng Diamond Motor Corporation MX Sreies sa Sabado, sa MX Messiah fairgrounds sa Taytay, Rizal.
Liyamado ang multi-tiled veteran laban sa mas batang karibal na kinabibilngan ni Davao City star Bornok Mangosongsa pro open category.
“Throughout the year na kumakarera ako, I learned many things and encountered difficulties along the way. They all made me stronger and smarter as a rider,” sambit ni Mangosong.
“You will see a more matured and relaxed Bornok. The biggest change that happened in me is my relationship to the Lord. He made me unstoppable,” aniya. Miyembro si Mangosong ng UA Mindanao. Inaasahan ding magpapamalas ng husay at sopresa sina Ralph Ramento at Enzo Rellosa sa prolites division.
“My expectations for this leg is to have a good start and race with the top guys at the front. I’m preparing myself through proper body conditioning and cardio,” pahayag ni Ramento, wagi sa dalawang leg ng prolites.
Ilan pa sa mga category na sasalihan ay ang Amateur open production, Executive class, Kids 85cc, Kids 65cc, Kids 50cc, Open underbone, Local enduro at ang MMF Academy. Ang karera ay itinataguyod ng Generation Congregation at suportado ng Diamond Motor Corporation kasama ang Wheeltek, Dunlop tires, Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Coffee Grounds, Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co. at PTT Philippines Corporation.
Bibida rin ang bandang Silent Sanctuary, Brisom, at Firefalldown sa concert na isasagawa matapos ang karera.