UNITED NATIONS, United States (AFP) – May 80 bansa ang nagbabalak na dumalo sa unang World Humanitarian Summit sa Istanbul ngayong buwan upang muling pag-isipan kung paano haharapin ang mga pandaigdigang krisis, sinabi ng UN aid chief noong Lunes.

Sa bilang na ito, 45 ang kakatawanin ng kanilang mga head of state o heads of government na hihilingin na mangangako ng pondo at pagkilos sa summit sa Mayo 23-24.

Sinabi ni Stephen O'Brien, ang UN under-secretary general for humanitarian affairs, na ''so far encouraging'' ang turnout para sa event ngunit mas maliit ito kaysa kalahati ng 193 member-states ng UN.

Naglabas ang United Nations ng short film na nagtatampok sa ilang celebrities kabilang na sina Daniel Craig, Forest Whitaker at Michael Douglas na nananawagan sa mga lider na dumalo sa summit.

Nahihirapan ang mga gobyerno sa mundo, international organizations at aid agencies sa pagharap sa pinakamalaking refugee crisis simula noong World War II na apektado ang 60 milyong katao na nandarayuhan.

Internasyonal

Iran, muling isinara ang Strait of Hormuz dahil sa patuloy na blockade ng US

Sa buong mundo, 125 milyon katao ang nangangailangan ng tulong, at ngayong taon, ang relief efforts ay nangangailangan ng record na $20.1 billion pondo - limang beses ng halaga sa nakalipas na isang dekada, ayon sa mga pagtaya ng UN.

''It is clear that the facts on the ground are changing and so it's incumbent on all of us to change the way we are doing things,'' aniya.