Nawalan ng tirahan ang halos 80 pamilya nang lamunin ng apoy ang 40 bahay na dahilan ng pagkakasugat ng dalawang residente sa sunog sa isang residential area sa Makati City, nitong Martes ng hapon.

Dalawang residente, na hindi nabanggit ang pangalan, ang nagtamo ng first degree burn sa katawan na agad nilapatan ng lunas at dinala sa malapit na pagamutan.

Sa inisyal na ulat ng Makati Fire Department, pasado 4:00 ng hapon nang nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Barangay Pitogo, dahil sa hinihinalang napabayaang kandila o kalan.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay at umabot sa Task Force Delta ang alarma ng sunog.

Nagtulung-tulong ang 30 fire truck na rumesponde sa lugar at naapula ang sunog bandang 6:28 ng gabi.

Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng mga natupok na ari-arian.

(Bella Gamotea)