STO. DOMINGO, Nueva Ecija - Himalang nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 21-anyos na may-ari ng tindahan ng sandalyas makaraang pagsasaksakin ng kanyang houseboy sa Noriel Street, Barangay Hulo sa bayang ito, sa hindi malamang dahilan.

Kinilala ng Sto. Domingo Police ang biktimang si Evmark Gran y Petallo, tubong Sta. Rosa, Laguna, at may negosyo sa nasabing barangay. Nagtamo siya ng mga saksak sa ulo, leeg at kaliwang braso.

Sa imbestigasyon ni PO3 Orly N. Lagat, dakong 4:00 ng umaga at natutulog sa kuwarto si Gran, kasama ang anak nito, nang bigla silang pasukin ni Junjun Abello y Boca, 25, at walang sabi-sabing sinaksak.

Naaresto si Abello at nahaharap sa frustrated murder. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR