ZAMBOANGA CITY – Arestado ang dalawang tao matapos maaktuhang nagnanakaw ng ilang sako ng mga kumpiskadong bigas mula sa bodega ng Bureau of Customs (BoC) sa siyudad na ito.
Nadakip ng pulisya sina Abdul Bahman y Doh, 18; at Nurullazi Hamid y Arabani, 40, kapwa taga-Sta. Catalina.
Ayon sa pulisya, isang alertong residente ang nakapansin sa mga suspek habang naghahakot ng saku-sakong bigas mula sa pantalan at dinadala malapit sa bodega ng Department of Public Works and Highways (DPWH) malapit sa Zamboanga.
Nabawi ng pulisya mula sa mga suspek ang siyam na sako ng imported na bigas na may tatak na AAA. (Nonoy E. Lacson)