Base sa determinasyon na protektahan ang karapatang tao tulad ng nakasaad sa Konstitusyon, nagkaisa ang mga leader ng grupong kababaihan na suportahan ang kandidatura sa pagkapangulo ni Sen. Grace Poe.

Sa pulong balitaan sa Quezon City kasabay ng paglulunsad ng “Kababaihan para kay Grace Poe”, sinabi ni dating Senadora Santanina Rasul na kinakatawan ni Poe ang isang leader na matagal nang hinahangad ng mga Pinoy,

“My long experience as a public servant tells me that Sen. Grace will be good for the country. She is the embodiment of the modern Filipina: manifestly intelligent, honest, sincere and effective,” sinabi ni Rasul sa isang pahayag na binasa ng kanyang anak na si Fatima Rasul.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Her governance program tackles head-on our country’s present and lingering problems and concerns. She is an out-of-the-box problem solver which is what we need today,” aniya.

Bilang unang senador na Muslim, ikinagalak ng nakatatandang Rasul ang pagsuporta ni Poe sa Mindanao base sa pangako nitong ilalaan ang one-third ng national budget, o aabot sa P1 trilyon, sa pagsasaayos ng rehiyon.

Samantala, sinabi rin ni dating Senadora Leticia Ramos-Shahani na pinili niyang suportahan si Poe sa hanay ng mga kandidato sa pagkapangulo sa Mayo 9 dahil hindi nito hahayaan na masupil ang karapatan ng kababaihan.

Maging si vice presidential bet Sen. Francis “Chiz” Escudero, na katambal ni Poe sa halalan, ay sinuportahan ni Shahani, nakababatang kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. (Leonel Abasola)