Si Rachel Angeli B. Miranda, graduate ng University of the Philippines (UP) College of Law, ang nanguna sa 2015 Bar Examinations sa highest over-all rating na 87.40 percent.

Inihayag kahapon ng Chairperson ng 2015 Committee on the Bar Examinations na si Supreme Court Associate Justice Teresita J. Leonardo-De Castro na 1,731 sa kabuuang 6,605 examinee ang pumasa sa 2015 Bar Examinations.

Ang bilang na ito ay katumbas ng 26.21 porsiyento ng total examinees na nakumpleto ang 2015 Bar Examinations.

Gaganapin ang panunumpa ng mga bagong abogado sa Hunyo 16, 2:00 p.m. sa Philippine International Convention Center (PICC).

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ni Bar Confidant Atty. Christina Layusa na maaaring kunin ng Bar passers ang kanilang clearance sa Office of the Bar Confidant, 8:00 a.m. hanggang 4:30 p.m. simula sa Mayo 16 hanggang Hunyo 15.

Ang top 10 examinees ngayong taon ay ang mga sumusunod: 1st Place, Rachel Angeli B. Miranda (UP, 87.4%); 2nd Place, Athena C. Plaza (University of San Carlos, 87.25%); 3rd Place, Jayson C. Aguilar (UP, 86.75%); 4th Place, Reginald M. Arceo (Ateneo de Manila University, 86.7%); 5th Place, Mandy Therese Anderson (Ateneo de Manila University, 86.15%); 6th Place, Giselle P. Hernandez (UP, 86.1%); 7th Place, Darniel R. Bustamante (San Beda College-Manila, 85.9%); 8th Place, Jecca B. Jacildo, Soraya S. Laut at Jericho R. Tiu (University of San Carlos, Xavier University at Ateneo de Manila University, ayon sa pagkakasunod, 85.85%); 9th Place, Jedd Brian R. Hernandez (UP, 85.8%); at 10th Place, Ronel U. Buenaventura at Lara Carmela G. Fernando (Bulacan State University at San Beda College-Manila, ayon sa pagkakasunod, 85.75%).

Masisilip ang kumpletong listahan ng mga nakapasa sa sc.judiciary.gov.ph. (BETH CAMIA)