INDIANAPOLIS (AP) – Winakasan ni Texas Sen. Ted Cruz ang kanyang presidential campaign noong Martes, inalis ang pinakamalaking sagabal sa martsa ni Donald Trump patungo sa Republican nomination.

Inanunsiyo ng konserbatibong tea party firebrand na iminolde ang sarili bilang praktikal na alternatibo kay Trump ang kanyang pag-urong matapos ang pagkatalo sa Republican primary sa Indiana.

“It appears that path has been foreclosed,” pahayag ni Cruz sa mga tagasuporta sa Indianapolis. “Together, we left it all on the field of Indiana. We gave it everything we’ve got, but the voters chose another path, and so with a heavy heart but with boundless optimism for the long-term future of our nation, we are suspending our campaign.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina