Sa anim na araw na nalalabi bago ang eleksiyon sa Lunes, nanawagan si Liberal Party senatorial bet Teofisto “TG” Guingona III sa mga Pinoy na suportahan ang sino man sa limang presidential candidate na mahahalal.

Dahil sobrang init na ang pulitika sa bansa, sinabi ng senador na dapat bigyang-halaga ng mga botante na matuldukan na ang pulitika matapos ang eleksiyon at isulong ang pagkakaisa.

Ginamit na halimbawa ni Senator TG ang “Team Philippines,” na paboritong political slogan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pagsusulong ng pagkakaisa ng mamamayan sa tuwing matatapos ang halalan. 

“Though it will not be easy, let’s work together and put our house in order,” pahayag ni Guingona nang dumalo sa “Hot Seat” candidates’ forum sa Manila Bulletin kahapon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kung palarin na muling mahalal sa Senado, tiniyak ni Guingona na ipagpapatuloy niya ang paglaban sa katiwalian, pagsusulong sa healthcare system, at pagtulong sa pagresolba sa rebelyon sa bansa. 

“As early as my high school days, the rebellion of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), Moro National Liberation Front (MNLF) have been [hounding the Philippines]. Now, I’m a senator already and the problem about them is still out there,” ayon pa kay Guingona.

Kapag naresolba na ang rebelyon sa bansa, makapaglalaan na ang gobyerno ng pondo sa pagpapalakas sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, lalo na ang Philippine Navy, dahil sa lumalalang panghihimasok sa teritoryo ng bansa.

“And right now, with the superpower right off the shores of Palawan and Pangasinan, I think it’s imperative that we do the paradigm shift in our Armed Forces, which we cannot do that until we have peace,” aniya.

(MARK ANTHONY O. SARINO)