Paolo, Ritz at Ejay copy

HALOS isang buwan pa lang simula nang pumirma ng kontrata si Ritz Azulsa newest ABS-CBN talent pero heto at may teleserye na kaagad siya kasama sina Ejay Falcon at Paulo Avelino.

 

Ang titulo ng teleserye ni Ritz ay The Promise of Forever sa Dreamscape Entertainment unit mula sa direksyon nina Darnel Joy Villaflor ng Nathaniel at Hannah Espia ng Transit (2013) at Midlife (2016).

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Excited na kabado si Ritz nang humarap sa entertainment press noong Lunes ng gabi sa 9501 Restaurant at nang ikuwento niya kung paano ibinigay sa kanya ang project.

 

“After nu’ng contract signing po with ABS-CBN nasabi po na I’ll be guesting in Ang Probinsyano. After guesting po sinabi na po itong Promise of Forever teleserye. 

 “So feeling blessed ako, kasi kapapasok ko pa lang sa Kapamilya nakasama na ako kaagad sa teleserye. Nu’ng sinabi naman kaagad sa akin ang story, ang ganda at bago.

 

“At saka isa itong oportunidad sa akin na maipakita ko naman sa ABS na karapat-dapat akong maging Kapamilya. So isang challenge ito para sa akin,” pahayag ng dalaga.

 

Natupad na naman kaagad ang isa pa sa mga pangarap ni Ritz na makatrabahong aktor sa ABS-CBN. Nauna niyang binanggit si Coco Martin na natupad na nang mag-guest siya sa Ang Probinsyano at ngayon naman ay si Paolo Avelino sa The Promise of Forever.

 

“Shucks, katabi ko pa siya ngayon, ha-ha-ha! So ‘yun, kinikilig ako. Masayang-masaya po ako, thank you Dreamscape, thank you!” masayang sabi ni Ritz.

 

Ano nga ba ang nagustuhan niya kina Coco at Paolo kaya pinangarap niyang makatrabaho?

 

“Unang-una, ang daming awards, ang gagaling. Gusto ko rin po talagang maging magaling ding artista na naniniwala po ako na kapag nakatrabaho ko po sila, marami akong matutunan from them,” pagtatapat ng aktres.

 

Ang kuwento ng Promise of Forever ay tungkol sa mga taong umibig at nasaktan at nangakong iibig ulit at hahanapin kung ano ang mayroon sa forever pagkatapos masaktan.

 

Magkababata si Ritz (Sophia) at si Ejay (Philip) na noon pa may pagmamahal sa dalaga pero dedma sa kanya dahil iba ang prayoridad nito sa buhay. Pero ang binata naman ang sandigan ng huli sa lahat ng problema.

Lumaking masayahin si Sophia kapiling ang tito at tita pero may karanasang na nagbigay ng takot na umibig.

 

“Parang totoong buhay lang, kasi natatakot,” pabirong sabi ng dalaga.

 

Nagkasama sa trabaho sa isang cruise sina Ejay at Ritz at doon din nakilala si Lawrence (Paulo) na kapag umibig ay lubusan at may twist daw na mangyayari.

 

Sa luxury ship sa Mediterranean ang shooting ng tatlong bida pero hindi muna binanggit kung saan-saang bansa sila pupunta. Pero ayon kay Direk Darnel ay sa Eastern Europe ang tungo nila. Sa research namin, ang ibang bansang kasama sa Eastern Europe ay Czech Republic, Poland,Hungary, Romania, Moldova, Lithuania, Latvia, Estonia Slovenia, Slovakia, Bulgaria, Ukraine, Belarus, Serbia, Montenegro, Bosnia, Herzegovina, Albania, Kosovo at Macedonia.

 

Sa tanong kung heavy drama o light lang katulad ng super hit series na On The Wings of Love, ang sagot ng creative manager na si Ms. Reggie Amigo, “Hindi naman magsisimula ito sa heavy (drama) kasi kapag pag-ibig masaya, but I wouldn’t define it as OTWOL pero hindi ito heavy na heavy, I assure you, talagang papa-in love in na lang namin kayo.” 

Bagong aabangan na naman ito sa primetime mula sa Dreamscape Entertainment. Kasama rin sa cast sina Benjie Paras, Angel Aquino, Amy Austria at iba pa. (REGGEE BONOAN)