Pormal nang itinalagang bagong coach ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ang beteranong si Bo Perasol.

Ipinahayag kahapon ni UP chancellor Michael Tan ang pagpili ng unibersidad kay Perasol. Magsisimula ang kampanya ng Maroons sa pangangasiwa ni Perasol sa pagsabak sa Filoil Flying V Preseason Premier Cup.

Galing si Perasol, dating Maroon noong collegiate days, sa Ateneo kung saan naihatid niya ang Blue Eagles sa dalawang Final Four appearance.

Personal na inirekomenda ni UP team manager Dan Palami si Perasol sa UP management at alumni.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Pinalitan ni Perasol si Rensy Bajar.

Samamtala, tumulak patungong New Delhi, India sina International Master Paulo Bersamina at Women’s International Master Janelle Mae Frayna at Shania Mae Mendoza para sa pagsabak sa 2016 Asian Juniors (Open-Boys & Girls) Chess Championships simula sa Mayo 4, sa Hotel Park Plaza sa Shahdara, New Delhi, India.

Kasama nila si National Chess Federation of the Philippines executive director Grandmaster Jayson Gonzales na tatayo ring coach ng koponan para sa nine-round Swiss System na torneo.

Naitalagang No.8 seed si Bersamina sa Open-Boys tangan ang ELO rating na 2378 kontra sa 58 entries mula sa 11 bansa, samantalang No. 2 si Frayna (ELO 2285), at No. 5 si Mendoza (2193) sa Girls class na may 44 na kalahok mula sa siyam na nasyon.

Bukod sa Pilipinas, sasabak din sa torneo ang bansang Indian,Iran, China, Bangladesh. Turkmenistan, Srilanka, Kyrgyzstan, Japan, Nepal, Pakistan, Mongolia at Kazakhstan. (Angie Oredo)