pba copy

Laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Meralco vs Alaska

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hilahan sa kumunoy ng katapusan ang pagtatagpong muli ng Meralco Bolts at Alaska Aces sa do-or-die Game 5 ng kanilang semi-final duel sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup ngayon, sa Araneta Coliseum.

Naghihintay ang Rain or Shine sa magwawagi sa naturang duwelo para sa best-of-seven championship.

Naipuwersa ng Bolts ang decider nang maitabla ang serye sa 2-2 sa impresibong 86-70 panalo sa Game 4 nitong Lunes.

Bunsod nito, wala nang nakalalamang sa magkabilang panig, ngunit tangan ng Bolts ang momentum.

“It’s anybody’s game now,” pahayag ni Bolts wingman Jared Dillinger, sinandigan ang krusyal na panalo ng Bolts sa naiskor na buzzer-beater triple may dalawang segundo ang nalalabi sa laro.

“Take out the X’s and O’s and it’s all about hustle and effort at this point,” aniya.

Tumapos na topscorer si Dillinger na may 17 puntos kasunod ang import na si Arinze Onuaku na tumipa ng double-double -- 16 puntos at 16 debound.

Nanguna naman para sa Alaska si import Rob Dozier na may 18 puntos at 15 rebound, ngunit nalimitahan siya sa isang puntos sa final period.

Umaasa si coach Alex Compton na magagawa nilang itama ang mga maling nagawa upang muling maputol ang nasimulang dalawang dikit na finals appearance.

“I’m glad we’ve got this far,but I didn’t think playing the way we did tonight will get us where we want to go,”sambit ni Compton. (marivic awitan)