INIHAYAG ng United Nations humanitarian chief na 80 gobyerno at 45 pinuno sa mundo ang makikibahagi sa unang United Nations humanitarian summit sa Istanbul sa huling bahagi ng buwang ito, upang talakayin ang lumalawak na ayuda para sa 125 milyong katao na labis na nangangailangan ng tulong, at kung saan kukuhanin ang perang ipantutustos sa kanila.

“I’m very encouraged at the numbers coming” at inaasahan ang mas marami pa na dadalo, sinabi ni Stephen O’Brien sa isang news conference, bagamat ang 80 gobyerno na nagkumpirmang dadalo sa summit sa Mayo 23-24 ay kumakatawan lamang sa mahigit 40 porsiyento ng 193 estadong kasapi ng United Nations.

Sinabi niya na nasa 6,000 katao ang dadalo, kabilang ang 250 leader mula sa pribadong sektor, pinuno ng mga organisasyong pangkawanggawa, at kinatawan ng lipunan, mga apektadong komunidad, at kabataan.

Ayon sa isang pre-summit report ni United Nations Secretary-General Ban Ki-moon noong Pebrero, ang halaga ng humanitarian aid para sa 120 milyong kataong nangangailangan noong nakaraang taon ay nasa $19.5 billion, pinakamataas sa kasaysayan. Gayunman, sa kabila ng record din na kontribusyong bumuhos, nananatiling malaki ang kulang sa pondo kumpara sa nakalap na donasyon na lumawak sa “staggering 47 percent — $9.3 billion — in 2015,” aniya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ng pinuno ng United Nations na dapat na magkaisa ang mundo sa responsibilidad upang matugunan ang problemang ito, na maaaring posible sa $78-trillion na pandaigdigang ekonomiya, at ito ang tinututukan ng summit.

Ayon kay O’Brien, ang sagot dito ay nakasalalay sa pagbibigay-tuldok o pag-iwas na sumiklab ang mga kaguluhan at paglalaban, paggiit ng respeto sa mga panuntunan sa digmaan kabilang ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga sibilyan, pagtiyak ng tulong sa mga nangangailangan, at reporma sa pagkakaloob ng ayuda upang maiwasan ang pag-uulit. Hinimok din ni Ban ang mas seryosong pagtutok sa pagbabawas sa panganib laban sa mga kalamidad at sa epekto ng climate change, at iginiit na makapagliligtas ito ng buhay.

Ang layunin, ayon kay O’Brien, ay ang makapaghatid ng ayuda sa pinakanangangailangan “more efficiently, more effective and in a more financeable way.” (Associated Press)