Kumpiyansa ang senatorial candidate na si Joel “TESDAman” Villanueva na makukumbinsi niya ang mga overseas Filipino worker (OFW) na bumalik sa Pilipinas, dahil isusulong niya ang paglikha ng disenteng trabaho sakaling mahalal siyang senador sa Lunes.

Aniya, hindi lahat ng tinaguriang “bagong bayani” ng bansa ay sinuwerte sa kanilang trabaho bilang OFW dahil ang iba ay nakaranas ng pagmamaltrato.

 

Sisiguruhin ni Villanueva na may proteksiyon, hindi lang ang mga OFW, kundi ang milyun-milyong manggagawa sa bansa kapag pinalad siyang mahalal.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Sa mga OFW, kung kayo ay nalulungkot na d’yan (sa ibang bansa), kung hindi kayo masaya na nagtatrabaho, misyon ko po na ibalik kayo sa Pilipinas upang makatulong kayo sa magandang kinabukasan sa bansang Pilipinas,” dagdag pa ni “TESDAman.” (Leonel Abasola)