Seoul (AFP) – Ipinahihiwatig ng mga imahe sa satellite kamakailan na nakumpleto na ng North Korea ang external refurbishment ng shipyard para sa pagtatayo at paglulunsad ng bagong klase ng mga ballistic missile submarine, inihayag ng isang US think tank kahapon.

Habang malabo na magiging operational ito bago ang 2020, malinaw na nagkakaroon ng “progress” ang pagsisikap ng North na makapagdebelop ng submarine-launched ballistic missile (SLBM), ayon sa US-Korea Institute sa Johns Hopkins University.

Sa pagkakaroon ng SLBM capability, mas titindi ang banta ng nuclear strike ng North Korea at gumanti sakaling magkaroon ng nuclear attack.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national