No.2! Ipinagdadalantao na ni Kerry Washington ang ikalawa nilang anak ng asawang si Nnamdi Asomugha, at ito ay maaaring kumpirmahin ng Us Weekly.

Makikita ang unti-unting paglaki ng tiyan ng aktres, 39, habang naglalakad siya sa red carpet sa United Way of Greater Los Angeles Women’s Summit nitong Lunes, Abril 25.

Dalawang taon na ang nakalilipas, Abril 21, 2014, nang isilang ni Washington ang una nilang anak ni Asomugha, 34, na si Isabelle Amarachi Asomugha, 2.Sila ay nagpakasal sa Hailey, Idaho noong Hunyo 2013. 

Sa panayam sa kanya para sa April 2016 issue ng Elle, ibinahagi ng Emmy-nominated beauty ang tungkol sa papel ni Olivia Pope sa kanyang hit series na Scandal.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Even though Olivia Pope has obviously made the decision that she is not a mom,” sambit ni Washington, tinutukoy ang planong pagpapalaglag ni Pope, “playing her made me feel like I could be a mom. Because she knows there’s always another way — there’s always a way to fix it, there’s always a way to solve it, to win.”

Dagdag pa niya: “I feel like playing her made me feel like, ‘All right, I can do it. I will figure out how to juggle it all.’” (US Weekly)