BUENOS AIRES, Argentina (AP) — Hiniling ng federal prosecutor sa Argentina na imbestigahan si dating President Cristina Fernandez at ang anak nitong lalaki sa money laundering at tax evasion.
Pormal itong hiniling ni federal prosecutor Carlos Rivolo noong Lunes kay Judge Claudio Bonadi. Ang hukom ang namamahala sa imbestigasyon na kinasasangkutan ng dalawang negosyante na may kaugnayan sa real estate company na pag-aari ni Fernandez at ng anak nitong si Maximo Kirchner.
Sinabi ng mga tagausig na umupa ang kumpanya ng mga propyedad sa mga negosyanteng sina Lazaro at Cristobal Lopez.
Iniimbestigahan ang mga ito sa illegal na pagpapayaman sa loob ng 12 taong panunungkulan ni Fernandez at sa panahong nasa kapangyarihan ang yumao nitong asawa at sinundang pangulo na si Nestor Kirchner.