LONDON (AP) — Ipinahayag ng All England Club nitong Linggo (Lunes sa Manila) na dinagdagan ang premyong matatanggap ng kampeon sa men’s at women’s singles ngayong taon sa Wimbledon.

Hindi kukulangin sa $3 million ang maiuuwi ng kampeon, matapos taasan ng tatlong porsiyento ang premyo sa Grand Slam tournament.

Ang kabuuang premyo ay tumaas sa 28.1 million pounds ($40 million) para sa grass-court championships.

Lumaki ng 6.4 porsiyento o 120,000 pounds ($175,000) sa 2 million pounds ($2.9 million) ang premyo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa nakalipas na taon, tumanggap sina Novak Djokovic at Serena Williams ng tig-1.88 million pounds ($2.74 million) bilang kampeon.

Tatanggap naman ang first-round loser ng 30,000 pounds ($43,000).

Sa nakalipas na limang taon, tumaas sa 92 porsiyento ang kabuuang premyo sa Wimbledon. Ang pinakamataas na premyo ay noong 2013 na umabot sa 40 porsiyento.

Gaganapin ang ika-130 edition ng Wimby sa All England Club sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 10.

Ang U.S. Open ang nananatiling Grand Slam tournament na may pinakamalaking premyong ibinibigay. Sa nakalipas na taon, may kabuuang $42.3 million, tampok ang tig-$3.3 million sa singles champion.

Samantala, sinabi ng Wimbledon management na magsasagawa sila ng pagbabago at programa para mapanatili ang integridad ng torneo matapos ang kontrobersyal na doping issue ni Maria Sharapova at match-fixing.

“We just think that whether it is integrity or anti-doping we should enhance what we are doing,” pahayag ni Wimbledon Chief Executive Richard Lewis.