Pangungunahan nina Rio Olympic hopeful Miguel Tabuena at Angelo Que ang laban ng Pinoy laban sa foreign rivals sa pagpalo ng P3.5 milyon ICTSI Manila Masters simula bukas sa Eastridge Golf Club in Binangonan, Rizal.

Target ni Que na mapanatili ang korona, habang asam ni Tabuena na makopo ang ikalawang Philippine Golf Tour title ngayong season.

Kapwa pasok sa kasalukuyan sa top 60 golfer para sa Rio Olympics, umaasa ang dalawang premyadong golfer na mabigyan sila ng panibagong lakas sa pagtatapos ng torneo para mas mapatibay ang kanilang kampanya sa abroad.

Inaasahan din ng bansa si Tony Lascuna, habang pangungunahan ni Park Jun Hyeok, sumegunda rito sa nakalipas na taon, ang ratsada ng Korean squad.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sasabak din sina Park Min Ung, Park Jun Song, Park Chan Jung, Min Jun Seok, Chang Chang Guo, Hong Soon Hyup, Hwang Soon Hyup, Kim Chang Hoi, Kim Chang Yeon at Kim In Jae.

Mangunguna naman sa American line up sina Sam Ayotte, Daniel Inocencio, Dylan Jackson, John Jackson, Dillon Soldwisch at Chris Oetinger, gayundin sina Ausies Nelson Turner, Ben Ratcliffe, Nathan Park at Kevin Marques.

Kabilang din sa Pinoy entry sa torneo na may P650,000 sa kampeon sina Jay Bayron, Elmer Salvador, Cassius Casas, Mars Pucay, Mhark Fernando at Clyde Mondilla.

Sasalang din sina rookie pros Jobim Carlos at Justin Quiban.