Hiniling ni Sen. Jose “Jinggoy” Ejercito Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division na pahintulutan siyang makaboto sa San Juan City sa Mayo 9.

Habang isang linggo na lang ang nalalabi bago ang halalan, naghain ang mga abogado ni Estrada ng urgent motion sa anti-graft court upang payagan siyang makalabas mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

“On the matter of his right to vote, it is every citizen’s duty and constitutional right to vote. Not only it is a right and duty but failure to exercise said right can lead to disenfranchisement of his right of suffrage,” nakasaad sa kanyang mosyon.

Inihirit ng mga abogado ng senador na bigyan ito ng dalawang oras na furlough, mula 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon sa Mayo 9, upang makaboto sa voting precinct nito sa Xavier School, San Juan habang todo-bantay ng mgatauhan ng PNP.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ng mga abogado ni Jinggoy na limitado lamang ang botohan sa Custodial Center para sa mga national position.

“Accused-movant’s daughter is running for a local position at San Juan and he would like to exercise his right of suffrage at his voter’s precinct at Xavier School, San Juan City to be able to vote for the national and local positions,” paliwanag ng mga abogado ng depensa.

Ang anak na babae ni Jinggoy na si Janella ay kandidato sa pagka-bise alkalde ng San Juan City.

Nakasaad din sa mosyon ni Jinggoy na payagan siyang sumailalim sa magnetic resonance imaging (MRI) at X-ray sa kanyang kanang balikat, sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City at University of Sto. Tomas sa Maynila.

(Jeffrey G. Damicog)