Isang linggo bago ang eleksiyon, nagtungo si Pangulong Aquino sa punong himpilan ng Iglesia ni Cristo (INC) para sa closed-door meeting kay INC Executive Minister Eduardo Manalo, kahapon ng umaga.

Nasorpresa ang mga opisyal at empleyado ng INC Central Chapel sa Commonwealth Avenue nang biglang dumating ang convoy ni Pangulong Aquino sa gitna ng mga espekulasyon na binasbasan na ng maimpluwensiyang sekta sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pambato nito sa halalan sa Mayo 9.

Simula bukas o sa Huwebes, inaasahang ipamamahagi na ng INC ang “circular” na naglalaman ng mga pangalan ng local at national candidate na ineendorso ng pamunuan nito.

Nang tanungin ng media kung ano ang kanyang pakay sa pagbisita, sinabi ni Pangulong Aquino na nagpasalamat lamang siya kay Manalo sa suportang ibinigay nito sa gobyerno.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Talaga naming nadama natin ang suporta throughout the administration and even before I have been in office,” pahayag ng Pangulo.

Aminado naman si PNoy na ginamit na rin niya ang okasyon para sa kanyang “apela na may kinalaman sa pulitika.”

Subalit sinabi ng isang source sa INC na humirit si Aquino ng konsiderasyon sa pag-endorso ng liderato ng grupo kina Binay at Marcos. (BEN ROSARIO)