Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P539 milyon para sa emergency loan ng mga miyembro at pensiyonado sa apektado ng El Niño sa General Santos City sa South Cotabato at sa Guimaras at Sarangani.
Ayon sa GSIS, maaaring makahiram ng P20,000 ang miyembro habang P40,000 naman ang may kasalukuyang utang, ngunit ibabawas ang anumang balance sa naunang loan.
Babayaran ang loan sa tatlong taon, na may interest na anim na porsiyento kada taon, anang GSIS.
Itinakda bukas, Mayo 4, ang deadline sa paghahain ng loan sa Guimaras, habang hanggang sa Mayo 5 at 6 naman makapag-a-apply ng loan ang mga taga-General Santos City at Sarangani, ayon sa pagkakasunod.
Makukuha ang inutang sa GSIS eCard. (Mac Cabreros)