RIO DE JANEIRO (AP) — Nakatakdang dumating ang ‘Olympic Flame’ sa Brazil ngayon para pormal na simulan ang tatlong buwang torch relay sa kabuuan ng bansa na magtatapos sa Maracana stadium para sa grand opening ceremony ng quadrennial Games sa Agosto 5.

Bitbit ni Carlos Nuzman, chairman ng Rio organizing committee, ang torch mula sa Geneva. Ihahatid niya ito kay Brazil President Dilma Rousseff sa Planalto presidential palace, para sa pormal na pagsisimula ng torch relay sa bansa.

Ang unang torchbearer ay si Fabiana Claudino, premyadong women’s volleyball player na nanguna sa Brazil para sa Olympic gold medal noong 2008 Beijing, at 2012 London Games.

Sunod na bibitbit nito ay si Brazilian mathematician Artur Avila Cordeiro de Melo.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Bawat isang torchbearer ay tatakbo ng may distansiyang 200 metro sa relay na tatampukan ng 329 lungsod at kabuuang 12,000 torchbearers.

Kabilang sa top 10 torchbearer si Hanan Khaled Daqqah, isang 12-anyos na Syrian refugee.

Ang pagsisindi sa Olympic torch ang isa sa huling aksiyon ni Rousseff sa publiko. Nakatakda siyang masuspinde ng anim na buwan bunsod nang isinulong na impeachment laban sa kanya ng Senado.

Pansamantalang hahalili sa kanya si Vice President Michel Temer.