Kalbaryo ang buena-mano ng linggo para sa ilang pasahero na muling naperhuwisyo sa panibagong aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT)-3, kahapon ng umaga.

Pasado 8:00 ng umaga nang biglang huminto ang isang tren ng MRT-3 northbound sa Ortigas Station dahil sa hindi pa malamang problema.

Napilitang bumaba ang mga pasahero para muling maglakad sa riles bago naghintay sa kasunod na tren upang makarating sa kanilang destinasyon.

Agad na dinala ang nagkaaberyang tren sa Pasay depot upang suriin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong nakaraang linggo dalawang beses nagkaaberya ang operasyon ng MRT dahil sa problemang teknikal, na labis na ikinairita ng libu-libong pasahero. (Bella Gamotea)