Dominic Ochoa copy

TRULILI kaya na ang tunay na dahilan ng pagkawala ng dalawang linggo ng game show ni Willie Revillame sa GMA-7 ay para mag-isip ng bagong format at maghanap ng bagong writers dahil talo sila sa ratings game ng Super D na fantaserye ni Dominic Ochoa?

Hindi namin sinasadyang narinig ang kuwentong ito ng taga-GMA sa TV executive na tagaibang TV network, hmmm... magkaibigan pala sila.

“Pahinga muna kami (production staff ng game show ni Willie), pagod na lolo mo saka may mga babaguhin sa show, konti lang at saka kulang kami sa staff, nag-alisan kasi. ‘Tapos bago pa ‘yung katapat naming show, tumagilid kami.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bukod dito, aasikasuhin din daw ni Willie ang kasong kinasasangkutan tungkol sa child abuse na isinampa noon pang Oktubre 2013.

Ang Game ng Bayan ni Robin Padilla ang dating katapat ng game show ni Willie at obviously, hindi nag-rate ang programa ni Binoe kaya namaalam kaagad sa ere pagkatapos ng isang buwan at ipinalit nga ang fantaseryeng Super D na patok na patok sa mga bata.

Magkaiba naman ang konsepto ng dalawang programa kaya hindi puwedeng ikumpara, pero kung ratings game nga ang pag-uusapan. E, talo nga ang game show ni Willie dahil pag-aari ng mga bata ang telebisyon sa mga oras na iyon at ang matatanda ay makikinood na rin. (Reggee Bonoan)