Isang 65-anyos na lalaking dayuhan ang namatay makaraang atakehin sa puso habang nagda-dive sa Tubbataha Reef National Park sa Palawan.

Nasa pangangasiwa ng isang funeral home sa Puerto Princesa City ang bangkay ni Zbigniew Szewczky, mula sa Poland.

Batay sa imbestigasyon ng Puerto Princesa Police Office (PPPO), Abril 30 nang magtungo sa Tubbataha Reef ang dayuhan para mag-dive ngunit makalipas ang 15 minuto sa ilalim ng tubig ay biglang inatake sa puso si Szewczky.

Mabilis na naiahon ang Polish at agad isinailalim sa cardiopulmonary resuscitation (CPR), subalit hindi na ito nailigtas. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito