NEW DELHI/HK (Reuters) – Nag-uusap ngayon ang India at United States upang magtulungan sa pagsubaybay sa mga submarine sa Indian Ocean, ayon sa mga opisyal ng militar, sa hakbanging magpapaigting sa ugnayan sa depensa ng dalawang bansa, habang pinalalawak ng China ang mga aktibidad nito sa kailaliman ng dagat.

Kapwa nababahala ang Amerika at India sa hindi na makontrol na ambisyon ng Chinese Navy, na inaangkin ang halos buong South China Sea, may tensiyon sa Japan dahil sa East China Sea, at ngayon ay hinahamon ang pag-angkin ng India sa Indian Ocean.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'