Charlene & Aga copy

IPINAGDIWANG ni Charlene Gonzales ang kanyang 42nd birthday noong Mayo 1, kasabay ng Labor Day.

Tulad ng nakagawian na ng 1994 Binibining Pilipinas Universe noong dalaga pa siya ay simple lang ang selebrasyon at walang malaking handaan.

Ang buong pamilya lang ang kasama ni Charlene sa selebrasyon niya kasama sina Mommy Elvie Gonzales, asawang si Aga Muhlach at ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres.

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

Marami ang na-touch, kinilig at humanga sa pagsasama ng mag-asawa sa pagbati ni Aga sa kanyang wifey sa kanyang Instagram account.

“I remember vividly a few days before my mom passed away, in her hospital bed she told me to come near her and told me, ‘ga, ‘wag ka na mag-alala at malungkot, handa na ako mawala. 

“Binigay na ng Panginoon ang kaisa-isang dalangin ko para sa ‘yo. Hindi ang pera at kung ano mang materyal na natatamasa mo ngayon kungdi ang dalangin ko noon pa na makatagpo at makapag-asawa ka ng babae na hihigitan pa ang pagmamahal na binigay ko sa ‘yo. Si Charlene ang pinakamagandang nangyari sa buhay mo, wag mo siyang pababayaan! 

“Habang buhay kang magpapasalamat sa ating mahal na Panginoon, ha.”

“Haaaay, My love@itsmecharleneg you really are God’s greatest gift to me and our children. I know you hate this photo I took of you! Haha! but the real beauty that’s inside you is what comes out on this one! You’re really beautiful inside and out. Happy birthday.”

Agree kami sa sinabing ito ng Mama Anita ni Aga, dahil kilalang-kilala rin namin si Charlene simula nu’ng sumali siya sa Binibining Pilipinas hanggang sa pasukin niya ang pag-aartista and at the same time ay nag-aaral din sa University of Santo Tomas sa kursong BS Pychology hanggang sa nakapagtapos.

Taong 2001 nang magpakasal sina Charlene at Aga sa St. Joseph The Worker Parish sa Picdal, Baguio City. Masuwerte sila sa isa’t isa, at sila ang matatawag ngayon na totoong happy family sa showbiz.

Binabati rin namin si Charlene ng maligayang kaarawan. (REGGEE BONOAN)