Iginiit ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial bet Win Gatchalian ang pagsusulong ng transparency sa hanay ng mga halal at itinalagang opisyal ng gobyerno bunsod ng dumaraming kontrobersiya na may kaugnayan sa ill-gotten wealth, gaya ng ipinupukol ngayon sa presidential frontrunner na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sakaling palaring mahalal sa Senado, tiniyak ni Gatchalian na isusulong niya ang isang batas na mag-oobliga sa mga kandidato na lumagda sa bank secrecy waiver bago sila maghain ng certificate of candidacy (CoC).

Sa ilalim ng panukala, sinabi ni Gatchalian na hindi na maikukubli ng sino mang kandidato ang kanilang ill-gotten wealth sa ilalim ng Republic Act 1045, na mas kilala bilang Law on Secrecy of Bank Deposits.

“The electorate must be armed with as much information as possible about the candidates before casting their vote.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

This law would provide the general public with a powerful tool to scrutinize one of the most critical aspects of an aspiring elective official—his or her integrity,” pahayag ng kongresista mula Valenzuela City.

Nakalatag din sa panukala ni Gatchalian na awtomatikong madidiskuwalipika ang sino mang tumatakbo sa local o national position dahil sa kabiguang maghain ng bank secrecy waiver sa Commission on Elections (Comelec) bago ang deadline ng pagsusumite ng CoC.