Naghain ng reklamong kriminal ang isang human rights advocate laban sa 14 na tagasuporta umano ng presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa pagbabanta umano sa kanya sa mga komento na ipinaskil sa Facebook.

Sinabi ni Renee Julienne Karunungan, isang human rights at climate justice advocate, na naghain siya ng reklamong grave threat sa ilalim ng Revised Penal Code na may kinalaman sa Cybercrime Law laban sa 14 na tagasuporta ni Duterte.

Nag-ugat umano ang reklamo nang lumikha si Karunungan ng meme sa kanyang Facebook account, na roon ay binansagan niya ang standard bearer ng PDP Laban bilang “a lazy choice.”

At simula noon, nagsalitan umano ang 14 na tagasuporta ni Duterte sa pagbabanta na gagahasain at papatayin siya dahil sa kanyang ipinaskil.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“I posted it after the second presidential debate, as response to people who kept saying Duterte is the savior of everyone,” pahayag ni Karunungan sa isang pulong balitaan kahapon.

“So, obviously ‘yung mga talagang supporters niya ay seemingly offended by it,” dagdag niya.

“In this case, there’s threat of rape, threat of physical injury,” ayon sa abogado ni Karunungan na si Atty. Jose Jesus Disini Jr. (Jeffrey C. Damicog)